Home HOME BANNER STORY DFA nakatutok sa Nepal unrest; mga Pinoy, ligtas

DFA nakatutok sa Nepal unrest; mga Pinoy, ligtas

270
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaguluhan sa Nepal na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 22 katao matapos ang protesta laban sa social media ban at korapsyon.

Ayon sa DFA, wala pang ulat na may Pilipinong naapektuhan.

Nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi at Honorary Consulate sa Kathmandu sa Filipino community.

Pinayuhan ang mga Pilipino roon na manatili sa kanilang tirahan at sumunod sa mga awtoridad.

Naglabas din ang DFA ng mga contact number at email para sa agarang tulong. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here