Home NATIONWIDE 53,000 e-sabong sites kinalos ng DICT

53,000 e-sabong sites kinalos ng DICT

432
0

MANILA, Philippines – Tinanggal na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang 53,000 online cockfighting o e-sabong sites, ayon kay DICT Secretary Henry Aguda.

Sinabi ni Sec. Aguda sa isang press briefing sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) office na kapag nakita nilang ilegal ay kanila itong inaalis o tine-take down ang URL.

Ang Uniform Resource Locator (URL) ay mahalagang web address na nagdidirekta sa iyong browser sa isang partikular na site o page.

Sa kabila ng crackdown, natuklasan ng isang pag-aaral ng Filipino research firm na The Fourth Wall na nananatiling aktibo ang mga unregulated na operasyon ng e-sabong, gamit ang mga social media platform tulad ng Facebook upang mag-promote ng mga laro at mag-imbita ng mga manlalaro sa pamamagitan ng mga grupo at private message.

Sinuspinde ang e-sabong sa buong bansa noong Disyembre 2022 sa ilalim ng Executive Order No. 9 na nagbabawal sa lahat ng online at remote betting sa cockfighting matches, kabilang ang live-streaming sa labas ng licensed venues.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here