Home NATIONWIDE Zaldy Co kay Magalong: Akusasyon mo base sa tsismis

Zaldy Co kay Magalong: Akusasyon mo base sa tsismis

281
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co ang motibo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa patuloy nitong pagsasangkot sa una sa anomalya sa flood control projects.

Giit ni Co, mali at walang basehan ang mga akusasyon ni Magalong.

”Hindi ako sangkot sa anumang maling gawain batay sa kanyang malabong paratang,” pahayag ni Co sa isang statement.

Ang depensa ay ginawa ni Co matapos sabihin ni Magalong na ang imbestigasyon sa flood control projects ay dapat simulan sa mambabatas.

Giit ni Co, nagulat siya sa mga paratang ni Magalong na wala namang kaakibat na ebidensya.

“Wala espesipikong detalye pero hinuhusgahan na ako,” pahayag nito.

Samantala, sinabi ni Co na duda siya kung magiging epektibong miyembro ng bubuoing independent commission si Magalong.

”Paano magkakaroon ng makatarungan at walang kinikilingang imbestigasyon kung bago pa man magsimula ang proseso, nagsasalita na si Mayor Magalong sa media laban sa akin batay sa sabi-sabi at tsismis?” paliwanag ng mambabatas.

Matatandaan na una nang sinabi ng alkalde na handa siyang maging miyembro ng komisyon gayunpaman wala pa umanong anumang abiso sa kanya dito si ng Pangulong Bongbong Marcos. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here