Home NATIONWIDE PNP nakahanda sa mga protesta sa flood control projects

PNP nakahanda sa mga protesta sa flood control projects

242
0

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa ikakasang mga kilos protesta kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Sa inilunsad na Unified 911 katuwang ang PLDT sa Sampaloc, Maynila, sinabi ni PNP Chief Police Lt. General Jose Melencio Nartatez na may patakaran naman nang sinusunod sa crowd management at dispersal.

Ang pahayag ni Nartatez ay sa gitna na rin ng mga nangyayari maramahas na kilos protesta sa ibang bansa gaya sa Nepal at Indonesia.

Sinabi ng opisyal na kumakalap na rin sila ng mga impormasyon kasama na ang magmonitor at pagbabantay sa sitwasyon.

Upang maiwasan ang gulo, tiniyak ng opisyal ng PNP na nakahanda sila sa mga pagkilos upang maiwasan ang gulo.

Una rito, nagtakda ang mga taga suporta ng mga Duterte ng protesta laban sa katiwalian sa flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here