Home NATIONWIDE Natatanging ARBs, organisasyon, komunidad pinarangalan ng DAR sa Gawad Agraryo 2025

Natatanging ARBs, organisasyon, komunidad pinarangalan ng DAR sa Gawad Agraryo 2025

285
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nakahandang kilalanin ang mga natatanging agrarian reform beneficiaries (ARBs), organisasyon, at mga pamayanang agraryo sa prestihiyosong Gawad Agraryo 2025, na may temang “Repormang Agraryo: Binhi ng Kaunlaran at Tagumpay.”

Ayon sa DAR gaganapin ang selebrasyon sa Setyembre 12 sa Makabagong San Juan National Government Center, Pinaglabanan Road, San Juan City, na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilala sa mga ARB na nagsilbing ilaw ng pag-asa at pag-unlad sa ilalim ng programa ng repormang agraryo ng pamahalaan.

Kaugnay nito binigyang-diin din ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III na ang parangal ay sagisag ng patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa repormang agraryo at sa mga magsasakang nagtatanim ng lupa.

“Sa pamamagitan ng Gawad Agraryo, hindi lamang natin pinararangalan ang ating mga natatanging magsasaka, organisasyon, at komunidad, kundi muling pinagtitibay ang ating pangako na suportahan sila. Ang kanilang mga kwento ng tagumpay ay nagpapatunay na kapag nabigyan ng lupa at sapat na suporta ang mga magsasaka, sila ay nagiging tagapaghatid ng kaunlaran sa kanayunan at pambansang progreso,” ani Estrella.

Samantala ang mga parangal sa taong ito, na nagmula sa iba’t ibang lalawigan sa buong bansa, ay pagkakalooban ng pagkilala para sa kanilang natatanging ambag sa tatlong pangunahing kategorya:

Natatanging Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) – pagbibigay-pugay sa mga indibidwal na nagtagumpay sa pagbabagong-buhay at pag-angat ng kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng tiyaga, inobasyon, at pamumuno.

Ayon sa DAR ang pinakamaunlad na Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) – pagkilala sa mga kooperatiba na nagpapatibay sa kanilang mga kasapi at nagsusulong ng kaunlarang pangkanayunan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here