BULACAN, Philippines – Humihiiyaw na nagmartsa ang mga iskolar ng bayan at mamayang Bulakenyo patungo sa harapan ng gate ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sakop ng Brgy. Tikay, Malolos nitong umaga ng Setyembre 11.
Nang makarating sa harap ng tanggapan bandang 10:11 ng umaga, matapang at malayang nagpahayag ng saloobin ang mga estudyante sa harapan ng gate ng DPWH na napapalibutan ng mga pulis.
Gamit ang megaphone, isinigaw nila na ikulong ang mga kurakot na sangkot sa maanomalya at “multong” flood control project sa lalawigan.
Napakaskil din sa kanilang mga bitbit na plakard ang: “Bumusina kung galit ka sa mga kurakot.” na tinugunan naman ng mga dumaraang motorista sa lugar.
Sa isang panayam kay PCOL Angel Garcillano, naging pangkalahatang payapa ang nasa dalawang oras na rally ng mga iskolar ng bayan at mamamayan na naglabas ng kanilang mga saloobin.
Samantala, nagviral sa Facebook post ang nakatakdang noise barrage sa September 11 bandang 6:00 ng gabi hanggang 7:00 ng gabi,, students walk out sa September 12 at peacefull rally sa September 13 sa DPWH District 1, Malolos, 10:00 ng umaga
Kaugnay nito, nakahanda naman ang pulisya para ipatupad ang batas sakaling maulit ang ganitong sitwasyon at sa mga posibleng mangyari. (Dick Mirasol III)







