Home METRO 3 babae niratrat sa QC; Buntis, 1 pa todas

3 babae niratrat sa QC; Buntis, 1 pa todas

267
0

QUEZON CITY, Philippines – Pinasok at pinagbabaril ang tatlong babae sa isang bahay sa Novaliches, Quezon City na ikinamatay ng magkapatid, ang isa ay sinasabing buntis kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulsiya, nangyari ang krimen sa Barangay Gulod, bago mag alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules.

Natagpuan malapit sa pintuan ang 36-anyos na si Angela, 4 buwang buntis, habang nakita sa loob ng kuwarto ang bangkay ng 34-anyos niyang kapatid na si Jennifer.

Nagtamo ang magkapatid ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasapol naman ng bala sa balikat at paa ang 33-anyos na babaeng kaibigan ni Jennifer.

Batay sa imbestigasyon, masayang nag-uusap ang tatlong biktima nang paputukan sila ng dalawang lalaking nakasuot ng jacket at helmet.

“Pinasok ‘yung bahay ng dalawang suspek and allegedly may dalang baril parehas… Bumaba ‘yung mga suspek sa motor, iisang motor ‘yung gamit nila, then dire-diretso sa bahay,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Aljun Belista, Novaliches Police Station commander.

Labis na ikinabigla ng mga kaanak ng magkapatid na biktima ang insidente na nasaksihan ng isang pamangkin.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen para malaman ang motibo sa pamamaril.

Sinabi ng ama ng magkapatid na nakatanggap umano ng pagbabanta sa buhay si Jennifer at kanyang kabarkada nito lamang Linggo.

Nakakuha ng SOCO sa crime scene ang anim na basyo ng bala mula sa cal. 9mm at cal. 45 pistol. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here