Home HOME BANNER STORY Madidisgrasyang kamoteng rider, ‘di ililibre ng DOH sa gastos sa ospital

Madidisgrasyang kamoteng rider, ‘di ililibre ng DOH sa gastos sa ospital

293
0

MANILA, Philippines – Tatanggalin na ng Department of Health (DOH) ang mga madidisgrasyang lumalabag sa batas-trapiko mula sa zero balance billing program sa mga pampublikong ospital, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang press conference kasama si UN road safety envoy Jean Todt nitong Huwebes.

Ayon kay Herbosa, hindi na libre ang pagpapagamot kapag nadisgrasya ang mga mahuhuling walang helmet, walang seatbelt, o lasing habang nagmamaneho.

“If you drink, get into a crash, and it is determined that you were above the legal limit—you are disqualified from the zero balance benefit,” paliwanag niya.

Nilinaw niya na sakop pa rin ng programa ang mga biktima ng aksidente sa kalsada na walang kasalanan.

“All the victims of road crash will actually be covered, especially if the road crash is not their fault,” ani Herbosa.

Bahagi ito ng kampanya ng DOH para sa kaligtasan sa kalsada, sa harap ng datos na humigit-kumulang 12,000 Pilipino ang namamatay at higit 37,000 ang nasusugatan taon-taon dahil sa aksidente.

Umaasa si Herbosa na magiging daan ito para masunod ng motorista ang batas-trapiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here