MANILA, Philippines – Sinibak sa pwesto ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang legal service ng ahensya nitong Biyernes, Setyembre 12.
Kinilala ito bilang si Atty. Mikhail Tupaz.
Ang pagsibak ay matapos na magreklamo ang isang security guard ng subdivision kay Senador Raffy Tulfo nang murahin umano ito ni Tupaz at ipahuli sa pulis dahil sa hindi lamang ito pinapasok sa naturang subdivision.
Agad naman itong ipinaalam ni Tulfo kay Dizon.
Nakausap na ni Dizon ang security guard at ang misis nito para maghain ng reklamo laban sa abogado. RNT/JGC