Home ENTERTAINMENT Andi, sinupalpal ang netizen!

Andi, sinupalpal ang netizen!

249
0

Manila, Philippines – Burado na ngayon ang comment ng isang netizen na namintas ng dalawang anak ni Andi Eigenmann na sina Lilo at Koa.

Ang dalawang bagets ay anak ni Andi sa kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Ayon sa komento ng netizen, madungis daw ang dalawang bata–obyus na gusto nitong palabasin na isang pabayang magulang si Andi.

Hindi naman ito pinalampas ng ‘di na aktibong aktres.

Aniya: “I’d rather mine be messy but living life fully.”

Mas nanaisin daw ni Andi na makitang ganoon ang itsura ng anak, while taking a swipe against the netizen who may have kids who are more focused on their iPads all day, eat fast food or junk food and throw temper tantrums.

Bilang patunay na masaya ang kanyang mga anak sa kabila ng payak na pamumuhay, nag-post si Andi ng larawan nina Lilo at Koa na naglalakad with their backpacks on the way to school.

Namimitas din ang mga ito ng wild flower sa kanilang dinaraanan.

Ayon sa netizen na naka-screen shot ng pamimintas, galing daw ang post na ‘yon mula sa isang tsismosang nanay.

Humanga naman ang ilang celebrities sa kasimplehan ng buhay ni Andi, bringing back their memories back in the province.

Sa isla ng Siargao na naka-base sina Andi, Philmar at dalawa nilang anak. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here