Manila, Philippines – Sa paggunita ng ika-57 taon mula nang ideklarang chartered city ang
Iriga sa bayan ng Camarines Sur ay binigyan ng tribute ang isa sa mga “anak” nitong si National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor.
Naganap ang pagdiriwang nitong September 3, Huwebes.
Idinadaos din ang taunang Sumagang Awards na kumikilala sa mga natatanging ambag sa local development.
Bilang selebrasyon, nagkaroon ng concelebrated mass at civic/military parades sa plaza.
Ikinagalak naman ni Iriga City Mayor Wilfredo Rex Oliva ang pagdalo ng anak ni Nora na si lan Christopher tulad ng ipinangako nito.
Tinawag na “man of honor” ni Oliva ang aktor na inilarawan ang kanyang ina bilang “symbol of Filipino dream.”
Nagpasalamat si lan kay Oliva at mga opisyal ng Iriga City dahil sa museo at silid-aklatan in honor of his mom.
Kabilang din ang pasasalamat ni lan sa itatayong istatwa ni Nora sa istasyon ng Philippine Natiinal Railways.
Panghuli’y nagpasalamat din si lan sa pagdedeklara ng syudad bilang Nora Aunor Day ang petsang May 21.
Ang May 21 ay ang araw ng kapanganakan ni Nora na kilala rin bilang Ate Guy.
Magugunitang pumanaw si Nora noong April 17 ng kasalukuyang taon sa edad na 71. Ronnie Carrasco III