MANILA, Philippines – ISANG araw bago pa ang kanyang ika-68 taong kaarawan, nagbigay na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng isang masayang Salo-salo sa Palasyo sa Kalayaan grounds ng Palasyo ng Malakanyang.
Ipinagpapatuloy lamang ni Pangulong Marcos ang tradisyon ng pagdiriwang ng kanyang ‘special day’ kasama ang mga mamamayang Filipino.
Sa katunayan, muli ay binuksan ang Malakanyang para sa publiko, mainit na tinanggap ang mga tagasuporta mula sa ibat ibang lugar sa Metro Manila at hanggang sa Ilocos region, na dumating para personal na batiin ang Pangulo sa kanyang kaarawan.







