Home NATIONWIDE 7 pulis-Maynila, ipinasibak ni Isko sa kanilang pwesto

7 pulis-Maynila, ipinasibak ni Isko sa kanilang pwesto

268
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Director ng Manila Police District (MPD) na sibakin ang isang opisyal at anim na tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) dahil sa umano’y pangingikil sa dalawang delivery riders.

Ipinatapon ni Domagoso kay MPD Director P/BGen. Arnold Abad ang pitong pulis sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) upang hindi maimpluwensiyahan ang reklamong inihain ng isa sa complainant sa National Police Commission (Napolcom).

“Walang lugar ang mga tolongges sa Lungsod ng Maynila, kahit pa sa hanay ng kapulisan. Kapag mali, mali. Hindi natin puwedeng palusutin ang mga abusado, lalo na kung ang ordinaryong tao ang pinahihirapan,” pahayag ni Domagoso.

Batay sa reklamo ni alyas “Chester” sa Napolcom, sinita sila ng mga pulis na kinabibilangan ng isang police major, dalawang master sergeants, dalawang staff sergeants, isang corporal, at isang patrolman noong Martes, Setyembre 9, sa bahagi ng Sampaloc area.

Sa salaysay ng biktima, pinosasan silang dalawa at idinetine ng mula alas-3 ng hapon hanggang makatakas siya ng ala-1 ng madaling araw kinabukasan pero bago nito ay nakuha na ng mga pulis ang P9,000 sa kanyang Gcash at motorsiklo ng kanyang kasama.

Taliwas ito sa ibinigay na ulat ng mga pulis kay Napolcom Commissioner Atty. Vicente Calinisan na inaresto umano nila ang dalawa dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Nahaharap ang mga pulis sa kasong administratibo kabilang ang grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, at conduct unbecoming of a police officer. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here