MANILA, Philippines – Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang reklamo na isinampa ni Senator Imee Marcos laban kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ang kinumpirma ni Remulla kaugnay sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdadala sa kaniya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Lumabas sa resulta ng pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na may naging paglabag umano sa naging pagpapa-aresto sa dating pangulo dahilan para ireklamo si Remulla ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of public service.
Isa si Remulla sa naghain ng aplikasyon sa pagka-Ombudsman matapos magretiro si dating Ombudsman Samuel Martires noong Hulyo 27.
Subalit sinabi ng Korte Suprema na kailangan munang ma-clear ng Ombudsman ang mg aplikante na may kinakaharap na kaso para maging kwalipimado bilang susunod na Ombudsman. Jocelyn Tabangcura-Domenden