Home METRO PWD, utas sa suwag ng dalawang truck

PWD, utas sa suwag ng dalawang truck

234
0

ILOCOS SUR, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang 24-anyos na lalaki matapos mabangga ng dalawang truck sa Brgy. Sidaoen, Sta. Cruz ng lalawigang ito kaninang madaling-araw.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay person with disability (Down Syndrome), residente ng naturang bayan.

Base sa pahayag ng isang nakasaksi sa pangyayari, isang mabilis na truck papuntang hilaga ang nakasagi o nakabangga sa biktima kaya tumilapon ito at napunta sa kabilang lane.

Sa kabilang lane, isang truck na papunta ng timog ang nakabangga rin sa biktima na kumalakad pa sa kanya ng ilang metro mula sa point of collision.

Ang biktima ay nagtamo ng fatal head injury at fracture sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia, Ilocos Sur ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here