Home NATIONWIDE Bagong henerasyon na public servant, sasagip sa nabubulok na DPWH – Lacson

Bagong henerasyon na public servant, sasagip sa nabubulok na DPWH – Lacson

315
0

MANILA, Philippines – Kailangan ang isang bagong henerasyon ng mga propesyunal na lingkod-bayan upang ma-overhaul ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nabubulok sanhi ng walang hanggang kasakiman, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson nitong weekend.

Diin ni Lacson, maaaring tingnan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pribadong sektor upang kumuha ng lisensyadong civil engineer na may dalang kultura ng pananagutan at integridad – at walang bahid ng korapsyon.

“Assuming all DPWH officials submitted their courtesy resignations, Sec Vince may start hiring licensed civil engineers from the private sector, still untainted by corruption and trained by corporate best practices; then create a new generation of professional civil servants,” aniya.

Isa sa mga unang hakbang ni Dizon matapos maupo bilang pinuno ng DPWH ay ang pag-utos ng courtesy resignation ng lahat ng opisyal ng ahensya upang linisin ito.

Nasa sentro ng malaking kontrobersya ang DPWH kaugnay ng mga palpak at guniguning flood control projects. Ipinunto ni Lacson na mahigit ₱1.9 trilyon na ang naitalaga sa DPWH para sa flood control projects mula 2011, ngunit nananatili pa rin ang problema sa pagbaha.

Sa mga privilege speech noong Agosto 20 at Setyembre 9, inisa-isa ni Lacson ang “walang hanggang kasakiman” at korapsyon sa hanay ng mga engineer ng DPWH, na ang ilan ay nagsusugal umano ng daan-daang milyong piso sa mga casino, gamit ang pera ng taumbayan.

Ang masama pa ay ang mga bagong paraan ng pangungurakot ng mga junior personnel ng DPWH, kabilang ang imbentong karagdagang requirements na may presyo na libu-libong piso kada pahina — bukod pa sa regular na komisyon at “obligasyon” na ipinapabayad sa mga kontratista.

“Boundless greed. Rotten at the top, rotten at the bottom. Learning fast from their superiors, even official and “invented” documents have become sources of ill-gotten income at the lower echelons of the DPWH’s district engineering offices,” giit ni Lacson. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here