Home ENTERTAINMENT Goma, binanatan sa magarbong beach resort!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Goma, binanatan sa magarbong beach resort!September 14, 2025 19:402830 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Viral ang isang video na nagpapakita ng ginastusang beach resort ng aktor at Leyte Representative Richard Gomezmula umano sa kabang-yaman ng pamahalaan.Matatagpuan ang pag-aaring resort ni Goma sa Albuera, Leyte.Sinilip tuloy ang ibang mga proyekto ng aktor sa Leyte na pinabayaan dahil mas pinaboran ang kanyang pag-aari.Inihalintulad ang mga proyekto niya sa Leyte, gamit ang mga substandard na materyales.Halimbawa na lang ang mga ginamit na bakal na kasingnipis ng spaghetti.Maging ang ibinuhos na semento’y kasinglabnaw ng champorado.Pero pagdating sa kanyang beach resort ay daig ang Great Wall of China sa tibay.Kinukundena rin ang deklarasyon niGoma na 80% na umano ang mga completed projects sa Leyte gayong karamihan doon ay mga ghost projects o non-existent.Mabuti pa raw ang mismong ghost, nagpapakita’t nagpaparamdam.Nagpaalala rin ang viral video na ang pondong nakalaan dapat sa flood control ay hindi personal cash.Nag-iwan pa ng hashtag ang video na #Protect people’s tax.Bukas ang Remate Online sa panig ni Cong. Richard Gomez. Ronnie Carrasco III