Home ENTERTAINMENT Negosyo ng pamilya ni Maine, sinilip!

Negosyo ng pamilya ni Maine, sinilip!

296
0

Manila, Philippines – Maging si Maine Mendoza ay “collateral damage” sa inis ng lahat nang sangkot sa umano y korapsyon sa bansa.

Nauna nang itinuro ng contractor na si Curlee Discaya si QC Rep. Arjo Atayde at ama nitong si Art na binigyan niya ng P60 million.

Eto’t hindi lang si Arjo ang binabanatan–ang misis din niya.

Sinisilip tuloy ang family background ni Maine.

Buhat sa Bulacan ang isa sa mga host ng Eat Bulaga.

Naungkat tuloy na may pag-aari ang pamilya Mendoza ng gasoline station.

Ito’y bukod sa pagiging engaged ng ama ni Maine sa road construction.

Paano raw nagkaroon ng thriving business ang partido ni Maine?

Buwelta naman ng kampo ng TV host–hindi ba puwedeng katas ng sipag at tiyaga ang kung anuman ang pag-aari ng isang tao?

Pag mayaman ba ang isang tao, it follows na corrupt siya?

Such twisted logic! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here