Home NATIONWIDE AFP red alert sa mga isasagawang rally laban korapsyon

AFP red alert sa mga isasagawang rally laban korapsyon

254
0

MANILA, Philippines – Ang lahat ng yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naka red alert dahil sa kabi-kabilang kilos protestang gaganapin laban sa korapsyon, ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Ayon kay Padilla, ang AFP ay naka red alert simula Setyembre 12.

Ang red alert status ng AFP ay naguudyok sa mga personnel nito na mag-standby at maging palaging handa sa kung ano man ang maaaring mangyari.

Gayunman, tiniyak ni Padilla na ang statud ay isang pananggalang lamang at paraan para suportahan ang Philippine National Police.

“This is a precautionary measure on our part. This is standard security protocols. We would like to emphasize that we have nothing to worry about,” saad ni Padilla.

Sa pagsisimula ng Setyembre, nagsagawa ng mga rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na karamihan ay nagprotesta laban sa umano’y maanomalyang mga proyekto sa flood control.

Higit pang mga protesta ang nakatakda sa mga susunod na linggo, kabilang ang isang malawakang protesta sa Rizal Park sa Setyembre 21 alas-9 ng umaga sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, inihayag ng iba’t ibang grupo.

Inihayag noong Linggo ng transport group na Manibela na magsasagawa sila ng tatlong araw na transport strike mula Setyembre 17 hanggang 19. Ang isa pang transport group, ang Piston, ay magsasagawa rin ng transport strike laban sa katiwalian sa Setyembre 18. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here