CAVITE, Philippines – Isang lalaking pedestrian ang namatay habang sugatan ang kasama nito nang mabangga ng isang Lalamove driver na tumatawid sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite.
Ayon sa report ng pulisya, bandang ala-1:30 ng madaling araw, tumatawid ang dalawang biktima nang mabangga ito ng isang Lalamove driver na kinilalang si alyas France, nagmamaneho ng isang Yamaha Fazzio, residente ng Brgy. Timalan, Naic, Cavite.
Mabilis na isinugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang dalawang biktima na sina alyas Rob at alyas Ali, kapwa tubong Quezon at residente ng Brgy Bancal, ng nasabing lungsod, subalit idineklarang dead on arrival ang isa sa biktima na si alyas Ali. MARGIE BAUTISTA