Manila, Philippines – “(Senator) Jinggoy (Estrada), mag-resign ka na!”
Ito ang matapang na panawagan ng dating aktor na si Robbie Tarroza.
Kung matatandaan, si Robbie ay nadiskubre muna sa isang toothpaste TV commercial.
Naging miyembro rin siya ng dating youth-oriented program na That’s Entertainment.
Naging concert producer din si Robbie na lumantad noon bilang karelasyon ni Joed Serrano.
Kinalauna’y nagkasira din sila.
Of late, “nabuhay” muli si Robbie sa panahong iniimbestigahan sa Senado ang mga sangkot sa isyu ng katiwalian.
Hindi lang contractor kundi sabit din ang ilang inginusong pulitiko, isa na rito si Senator Jinggoy Estrada.
Sa kumakalat na post, may quote card attributed to Robbie na nagsasabing magbitiw na daw si Jinggoy sa puwesto.
Dahil kung hindiy mapipilitan daw si Robbie na isiwalat ang “double life” nito.
Itinuturo din niya ang mambabatas bilang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng kanyang nobyo.
Robbie–for the record–is a decent self-confessed gay.
“Pareho kayo ng ex ko…BABOY!” karugtong ng quote card niya.
Sa isang frame ay naka-quote naman si Ramon Tulfo na may pa-blind item.
Tungkol ito sa insinwasyon sa isang lalaking senador whose gender is in question.
May larawan ding inilabas na pinangalanan bilang si Peter Jay na nasa Amerika na ngayon, na inuugnay kay Jinggoy.
Sa kabila ng kumakalat hinting at Jinggoy’s sexual preference, umaasa ang publiko na huwag sanang matabunan ang tunay na isyu ng korapsyon–ang papanagutin ang mga dapat managot. Ronnie Carrasco III