Home NATIONWIDE PBBM kung ‘di Pangulo, sasama sa kilos-protesta

PBBM kung ‘di Pangulo, sasama sa kilos-protesta

332
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lubos niyang nauunawaan ang galit ng publiko sa korapsyon sa flood control at iba pang infrastructure projects.

Sa katunayan, kung hindi lamang siya Pangulo ng bansa ay lalabas siya sa kalsada at makikisali sa rally kasama ng mga tao.

Sa press conference sa Kalayaan Hall, Palasyo ng Malacañang, noong Lunes, Setyembre 15, sinabi ng Pangulo na ang iregularidad na kamakailan lamang ay sumambulat ay nagbigay-katuwiran sa galit na ipinahahayag ng mga mamamayang Pilipino ngayon.

“You have to remember, I brought this up. And it is my interest that we find a solution to what has become a very egregious problem. And since this has been all exposed… to the general public, do you blame them for going out into the streets?” ani Pangulong Marcos.

“If I wasn’t President, I might be out in the streets with them,” dagdag pa niya.

“Of course, they are enraged. Of course, they are angry. I’m angry. We should all be angry. Because what’s happening is not right,” wika ng Pangulo.

Hinikayat pa niya ang mga mamamayan na papanagutin ang lahat ng government officials at mga tauhan, pati na rin ang mga pribadong indibidwal na sangkot sa anomalya at ilegal na aksyon.

“So, yes, express it. Make your feelings known to these people and make them answerable for the wrongdoings that they have done,” ani Pangulong Marcos.

“Ipaalam ninyo. Ipaalam ninyo ang sentiment. Ipaalam ninyo kung paano nila kayo sinaktan. Kung paano kayo ninakawan nitong mga ito. Ipaalam ninyo sa kanila. Sigawan ninyo. Lahat gawin ninyo, mag-demonstrate,” dagdag pa niya.

Gayunman, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga protesters na manatiling mapayapa. Aniya, kung magiging marahas ang mga kilos-protesta ay mapipilitan ang mga law enforcement authorities na tupdin ang kanilang tungkulin.

“Just keep it peaceful. Kasi pagka hindi na peaceful, may hirap na ’yan. We will have to, the police will have to do their duty to maintain peace and order,” babala ng Pangulo.

“But to show that you are enraged, to show that you are angry, to show that you are disappointed, to show that you want justice, to show that you want fairness, what’s wrong with that?” aniya.

Samantala, binigyang-diin ng Pangulo na ang gobyerno, sa pamamagitan ng bagong tatag na Independent Commission on Infrastructure (ICI), ay determinado na isulong ang pananagutan.

Nilikha ang ICI upang imbestigahan ang iregularidad sa flood control at mga kaugnay na proyekto, saklaw ang nakalipas na 10 taon, at magrekomenda ng tamang kaso sa kaukulang mga ahensya.

“I want to show that there is justice. I want to show that there is fairness. I want to hold these people accountable just like they do. So I don’t blame them. I don’t blame them. Not one bit,” ani Pangulong Marcos.

—Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here