Home NATIONWIDE Unang caucus ng bagong Senate majority bloc, idinaos

Unang caucus ng bagong Senate majority bloc, idinaos

261
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng unang caucus ang bagong Senate majority bloc nitong Lunes, isang linggo matapos palitan ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III si Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang Senate President.

Sa larawang ibinahagi ni Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, makikitang dumalo ang 12 sa 15 miyembro ng majority sa isang tanghalian na inihanda ni Sen. Loren Legarda.

Kabilang dito sina Sotto, Zubiri, Senate President Pro Tempore Ping Lacson, at sina Legarda, JV Ejercito, Risa Hontiveros, Win Gatchalian, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, at Mark Villar.

Sinabi ni Zubiri na inaasahang hahabol sina Senators Lito Lapid at Pia Cayetano, habang naka-maternity leave si Camille Villar. Kinumpirma ng opisina ni Cayetano na hindi na siya nakadalo.

Idinaos ang caucus sa gitna ng ulat ng umano’y minority “coup” laban sa Senate leadership.

Ayon sa opisina ni Hontiveros, ito ang konteksto ng pagpupulong, habang tinawag naman ni Lacson ang naturang alegasyon na “malevolent, underhanded, foul, and desperate.”

Itinanggi rin nina Minority Senators Imee Marcos at Rodante Marcoleta ang mga paratang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here