Home NATIONWIDE PNP naka-full alert para sa Sept. 21 Luneta protest; walang bantang namomonitor

PNP naka-full alert para sa Sept. 21 Luneta protest; walang bantang namomonitor

293
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng full alert status ang Philippine National Police (PNP) sa National Capital Region Police Office para sa protesta laban sa korapsyon sa Luneta Park, Maynila, sa Setyembre 21.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, sa ilalim ng full alert, lahat ng pulis ay naka-duty at kanselado ang bakasyon o leave.

Wala pang natutukoy na banta, ayon sa Manila Police District (MPD).

“Sa ngayon, wala po tayong natatanggap na anumang banta,” ani MPD spokesperson Maj. Phillip Ines, na nagsabing anumang banta ay agad na susuriin at aaksyunan.

Aabot sa 957 pulis ang ide-deploy sa Luneta Park, Liwasang Bonifacio, Mendiola, España Boulevard, Malacañang, DPWH Central Office, at US Embassy.

Magkakaroon din ng road closures at rerouting sa Maynila para bigyang-daan ang mga aktibidad ng protesta. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here