Home METRO Higit ₱50M puslit na yosi, nasamsam sa M’danao

Higit ₱50M puslit na yosi, nasamsam sa M’danao

652
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang higit ₱50 milyong halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo sa tatlong magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga City at Misamis Oriental, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Noong Setyembre 12, nadiskubre ng pulisya ang isang inabandonang bangka malapit sa Sacol at Manalipa Islands sa Zamboanga City na kargado ng 445 kahon ng Fort cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng ₱25.5 milyon. Isinailalim ito sa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC).

Noong Setyembre 11, nakumpiska rin ang 282 kahon na nagkakahalaga ng ₱16.16 milyon mula sa isang truck sa Zamboanga City, kung saan inaresto ang isang 43-anyos na pulis at isang 55-anyos na driver.

Samantala, noong Setyembre 10, nasamsam din ang mga kahon ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱9.2 milyon sa Barangay Mauswagon, Laguindingan, Misamis Oriental. Patuloy na pinaghahanap ang umano’y distributor at transporter. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here