Home NATIONWIDE Libreng Love Bus, tuloy ‘gang Oktubre

Libreng Love Bus, tuloy ‘gang Oktubre

257
0
PINANGUNAHAN nina President Ferdinand Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos, DSWD Secretary Rex Gatchalian, DPWH Secretary Vince Dizon, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at iba pang opisyal ang paglulunsad ng Love Bus Libreng Sakay Program sa Valenzuela Gateway Complex, Valenzuela City. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang libreng sakay sa Love Bus tuwing peak hours sa Oktubre, ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Mula sa dating buong araw na libre, mananatiling walang bayad ang biyahe mula 6 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m. simula Oktubre. Sa off-peak hours, may bayad na ang regular na pasahero, pero mananatiling libre buong araw para sa senior citizens at PWDs.

Bumibiyahe mula PITX hanggang Valenzuela Gateway Complex, nakakatipid ang commuter ng hanggang ₱170 kada araw o higit ₱5,000 bawat buwan. “Napakalaking tulong po nito sa ating mga kababayan,” ani Lopez, at iginiit ang suporta nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., DOTr, at DSWD.

Maaaring mag-book sa Love Bus app, ngunit tatanggapin pa rin ang cash payment sa unang buwan. Ang 20 electric buses ay may kapasidad na 20 upuan, 10 standing, at apat na wheelchair, na may mga aksesibilidad na pasilidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here