Home METRO Amazona tigok sa sagupaan sa Capiz

Amazona tigok sa sagupaan sa Capiz

284
0

ILOILO CITY – Isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkuwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa Barangay Lahug, Tapaz, Capiz nitong weekend, ayon sa Philippine Army nitong Lunes, Setyembre 15.

Kinilala ang nasawi bilang si Christine May Capaducio, na may mga alyas na Sheryl/Elsa/Paday/Isa, platoon medic ng nabuwag na Komiteng Rehiyon–Panay. Narekober sa lugar ang isang M16 rifle at ilang personal na gamit.

Inilunsad ng 61st Infantry Battalion ang operasyon matapos iulat ng mga residente ang presensya ng mga natitirang rebelde sa lugar.

Nanawagan si Major Gen. Michael Samson sa mga natitirang kasapi ng NPA na sumuko. “There is no future in violence. Return to the folds of the law, embrace peace, and avail yourselves of the government’s reintegration and amnesty programs,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here