Home HOME BANNER STORY Zaldy Co pinilit DA maglabas ng fish import allocation sa 3 kumpanya

Zaldy Co pinilit DA maglabas ng fish import allocation sa 3 kumpanya

253
0

MANILA, Philippines – Nagulat ang ilang mambabatas sa budget hearing nitong Lunes, Setyembre 15, nang ibunyag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pinilit umano siya ni Rep. Zaldy Co na magbigay ng fish import allocations sa tatlong kumpanya, kabilang ang ZC Victory Fishing Corp.

Ayon kay Laurel, humiling si Co ng 3,000 containers ng isda ngunit tinanggihan niya ito dahil may umiiral nang scientific formula para sa alokasyon.

“We were being forced at that time to give him (Rep. Zaldy Co) 3,000 containers of fish which I did not agree. Pinipilit niya kami mag-issue ng import permit while we already have a formula. Which, ito na nga iyong formula na lumabas and it is very clear na fair ito scientifically, the data speaks for itself. At kaya kong tindigan ito,” aniya.

Kinumpirma rin niyang nag-endorso si Co ng tatlong kumpanya ngunit wala siyang binigyan ng permit.

“I only have personal knowledge on the three companies he wanted me to give allocation kahit na may formula na kami. Hindi ako pumayag magbigay ng kahit isang container sa tatlong nominated companies niya. At ang isang kumpanya doon, pangalan pa, ZC Victory Fishing Corporation,” dagdag pa ni Laurel.

Lumabas din sa pagdinig na ang Trans-Pacific Journey Fishing Corp. (TPJ), pagmamay-ari ng pamilya ni Rep. Toby Tiangco, ang pinakamalaking importer ng galunggong sa bansa. Ipinagtanggol ni Laurel ang alokasyon sa kumpanya, na nakabatay umano sa performance at dami ng huli.

“They are the biggest fishing company in terms of total volume of fish landed, not only galunggong (round scad fish). Kasi ang Trans-Pacific Journey is tuna and galunggong,” paliwanag naman ng kalihim.

Dagdag niya, sa mga nakaraang administrasyon ay nagkaroon ng iregularidad sa pag-unload ng isda sa pribadong pantalan. Ngayon, tanging sa mga pantalan ng PFDA pinapayagan ang opisyal na dokumentasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here