MANILA, Philippines – Naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA nitong Martes para sa Laguna, Rizal, at Nueva Ecija, kung saan makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan na may kidlat at malalakas na hangin sa loob ng dalawang oras.
Nakakaranas din ng parehong kondisyon ang ilang bahagi ng Bulacan at Quezon. Pinayuhan ang mga residente na mag-ingat laban sa posibleng pagbaha at landslide.
Samantala, dalawang low-pressure area (LPA) ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility—isa sa kanlurang bahagi ng Palawan at isa pa sa silangan-hilagang silangan ng Sorsogon. Mababa ang tsansa ng mga ito na maging tropical depression sa susunod na 24 oras.
Magdadala ang mga weather system na ito ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Visayas, at ilang probinsya sa Luzon at Mindanao.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulupot na pag-ulan dahil sa easterlies at localized thunderstorms. RNT