MANILA, Philippines – Dumalo si Vice President Sara Duterte nitong Martes sa pagdinig ng House appropriations committee para talakayin ang ₱889-milyong panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026.
Mag-isa niyang ipinresenta ang budget matapos ma-defer ang deliberasyon noong nakaraang linggo.
Nilinaw ni Palawan Rep. Jose Pepito Alvarez na siya ang humiling ng postponement, matapos ipagbawal ng komite na magpadala ang OVP ng kinatawan na mas mababa sa ranggong undersecretary. RNT