MANILA, Philippines – Ginawaran ng Kamara ng parliamentary courtesy ang Office of the Vice President (OVP) at inaprubahan ang 2026 budget nito na ₱903 milyon nang wala pang isang oras.
Malayo ito sa naging sitwasyon sa pagpasa ng kanilang budget noong 2025 kung saan ginisa si Vice President Sara Duterte at ang kanyang mga staff ukol sa kontrobersyal na confidential funds.





