Home NATIONWIDE Politika, flood control mess, love life, pinag-usapan nina Digong at Sara

Politika, flood control mess, love life, pinag-usapan nina Digong at Sara

286
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte nitong Martes na nakapag-usap sila sa telepono ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, at sinabing “okay siya.”

Ayon kay Duterte, noong nakaraang Biyernes sila nagkausap at napag-usapan ang politika, isyu ng flood control, at maging ang “love life” ng dating pangulo.

Ang pahayag ay ilang araw matapos sabihin ng abogado ng dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) na hindi na nito nakikilala ang pamilya o naaalala ang mga pangyayari, dahilan upang hilingin ang walang takdang suspensyon ng paglilitis kaugnay ng mga kasong crimes against humanity dahil sa drug war.

Nang tanungin ukol dito, sinabi ng Bise Presidente na hindi siya eksperto at hintayin na lang ang ICC. “May mangyayaring hearing sa competency, so hintayin na lang natin iyong mga experts… I am sure maglalabasan iyong mga experts,” aniya.

Ipinagpaliban ng ICC ang nakatakdang pagdinig sa Setyembre 23. Nakakulong ang dating pangulo simula Marso 11 dahil sa arrest warrant ng ICC kaugnay ng libo-libong patayan sa kanyang drug war. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here