Home NATIONWIDE Meta pinasa-subpoena ni Tulfo; online gambling update inihirit sa PAGCOR, e-wallets

Meta pinasa-subpoena ni Tulfo; online gambling update inihirit sa PAGCOR, e-wallets

286
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Erwin Tulfo matapos hindi dumalo ang Meta — kompanyang nasa likod ng Facebook at Instagram — sa pagdinig ng Senado ukol sa paglaganap ng online gambling sa bansa nitong Martes, Setyembre 16, 2025.

Ayon kay Tulfo, maglalabas ang Senate Committee on Games and Amusement ng show cause order laban sa country manager ng Meta. “Kung kailangan i-subpoena ang country representative nila ay ipa-subpoena,” babala ng senador.

Sa parehong pagdinig, humiling si Tulfo ng update mula sa PAGCOR, PayMaya, at GCash kaugnay ng pagpapatupad ng regulasyon laban sa ilegal na online gambling at pagbabayad gamit ang e-wallets.

Iginiit niyang patuloy ang presensya ng mga ilegal na operator at kulang ang proteksyon laban sa pagkakasangkot ng mga menor de edad.

Kabilang sa natalakay ng komite ang panukalang Anti-Online Gambling Act at ilang resolusyong nagsusulong ng mas mahigpit na pagbabantay sa operasyon ng online gambling sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here