Home ENTERTAINMENT Beverly, nananatiling manager ni Elias; request na TRO, binasura!

Beverly, nananatiling manager ni Elias; request na TRO, binasura!

312
0

Manila, Philippines – For the record, si Ms. Beverly Labadlabad pa rin ang legal business manager ni Elias Lintucan, frontman ng bandang Elias J TV Band, sa gitna ng legal battle ng magkabilang kampo.

Nakapuntos ang kampo ni Ms. Beverly sa legal dispute na nagaganap ngayon.

Sa order na inilabas ng Executive Judge na si Sadiri Balagot ng Kidapawan City, dinenay nito ang application for a Temporary Restraining Order (TRO) na ni-request ng kampo ni Elias at ng kanyang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon.

Ang ibig sabihin nito ay pinapayagan si Ms. Beverly ng korte na ipagpatuloy ang kanyang responsibilidad bilang manager ng Elias J TV Band at ng frontman na si Elias.

In effect, ang management firm pa rin ni Ms. Labadlabad ang may pangunahing authority na makipag-transact at makipag-negosasyon sa sinumang producer o organizer na gustong kumuha ng serbisyo ng nasabing reggae band, kasama na ang pagpirma ng kontrata at pagkolekta ng anumang talent fees.

Ayon pa rin sa order na inilabas ng Executive Judge, si Ms. Labadlabad, bilang business manager, ay may karapatan pa ring ma-access ang social media platforms ng grupo para sa branding at merchandising channels.

Bukas naman ang panig ni Elias sa pahinang ito.

JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here