Home ENTERTAINMENT Vilma, may babala sa flood control anomaly!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Vilma, may babala sa flood control anomaly!September 16, 2025 14:203630 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Alam ng lahat na nasa mata ng kontrobersya ang mga sangkot sa flood control project ng gobyerno.Hindi tuloy maiwasan na hanggang sa launch ng libro ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay ito ang naging paksa.“Naku, huwag n’yo akong madamay-damay diyan dahil naglilingkod ako!” pabirong banat niya.Ang hindi biro ay ang bagong bansag kay Vilma — mula sa Star for All Seasons ngayon ay tinatawag na siyang Star for All Generations.Patok din ang ibinahagi niyang tatlong patuntunan sa buhay-pulitika — na aniya’y nagsilbing gabay niya sa good governance.Dahil dito, may nagtanong kung tatargetin ba niya ang mas mataas na puwesto gaya ng Presidente.Sagot ni Vilma, “Pinagpaplanuhan ko na raw ’yon.”Ngunit may kasunod na “pang-eechos” na ikinaaliw ng mga dumalo sa book launch.Hirit niya: “I’ve been planning to be the President of senior citizens!”In that case, uwian na… may nanalo na!Ronnie Carrasco III