Home NATIONWIDE Ginang tinarakan habang naliligo, tigok

Ginang tinarakan habang naliligo, tigok

199
0

SAN MARIANO, Isabela – Imbes na tubig ang pang-ligo, sariling dugo ang bumalot sa isang ginang matapos itong bawian ng buhay nang pagsasaksakin ng isang lalaki habang naliligo sa sapa sa Brgy. Disulap, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima sa pangalang “Linda,” 40-anyos, habang ang suspek ay nakilalang si Purisimo Abao o “Orlando Abao,” kapwa residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat, mismong ang asawa ng biktima na si “Renato” ang nag-report sa mga awtoridad hinggil sa insidente.

Base sa kanyang salaysay, nagpapahinga umano siya sa kanilang bahay habang ang kanyang asawa ay naliligo sa sapa malapit sa kanilang tahanan nang bigla niyang marinig ang mga sigaw at paghingi ng saklolo nito.

Dali-dali siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang asawa at doon mismo naaktuhan ang suspek na paulit-ulit na sinasaksak ang ginang hanggang sa ito ay matumba. Nang makita siya ng suspek, kaagad itong tumakas dala ang ginamit na armas.

Sinubukan pang dalhin ang biktima sa pagamutan upang lapatan ng lunas subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, inaakusahan umano ni Orlando si “Linda” na nagsusumbong ito ng maling impormasyon sa kanyang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa, dahilan ng kanilang pagtatalo.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na tumakas matapos ang krimen. —Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here