Home NATIONWIDE ICI ‘di duplikasyon ng trabaho ng DOJ, Ombudsman – Remulla

ICI ‘di duplikasyon ng trabaho ng DOJ, Ombudsman – Remulla

343
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi duplikasyon ng trabaho ng Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman ang binuong Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Binigyang-diin ito ni Remulla sa gitna ng duda ng ilan sa papel ng ICI.

Ayon sa kalihim, hindi uulitin ng ICI ang parehong trabaho ng DOJ at Ombudsman.

Dagdag pa ni Remulla, makakatulong nang malaki ang ICI sa kasalukuyang imbestigasyon, sa pangangalap ng ebidensya at sa pagresolba ng mga anomalya sa flood control projects.

Aniya, sa bandang huli, DOJ at Ombudsman pa rin ang maghahain ng kaukulang mga kaso laban sa mga lalabas na sangkot sa iba’t ibang anomalya sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan. —Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here