Home HOME BANNER STORY Ethics complaint vs Kiko Barzaga, itutuloy – House Deputy Speaker

Ethics complaint vs Kiko Barzaga, itutuloy – House Deputy Speaker

366
0

MANILA, Philippines – Itutuloy ang planong paghahain ng ethics complaint laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kahit pa mayroong balita na magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Kamara.

Ayon kay House Deputy Speaker Ronald Puno, marami umanong nakakapansin sa hindi magandang ugali ni Barzaga kasama ang pagpasok sa kwarto ng mga congressman na walang imbitasyon.

Dagdag pa rito ang paglapit umano nito sa iba’t ibang tao sa Kongreso para sabihing tatakbo siya bilang Speaker ng Kamara.

Nauna nang pinuna ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang kakaibang ugali ni Barzaga.

“Pag pinakawalan namin ito, kung anoman ang result, ‘yung mga behavior na ganyan baka gayahin ng iba…We have to establish standards of behavior,” sinabi ni Puno.

Kabilang din sa mga pinuna ni Puno ang mga Facebook posts ni Baraga na nakakabastos umano sa mga kababaihan.

Nagpost din ang mambabatas ng larawan kung saan may hawak siyang napakaraming pera.

“Tama bang behavior ng congressman ‘yan? Somebody has to discipline this boy. We cannot allow this to be propagated as if it is normal,” dagdag ni Puno. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here