Home NATIONWIDE Pagbangga ng barko ng BFAR sa CCG vessel itinanggi ng PCG

Pagbangga ng barko ng BFAR sa CCG vessel itinanggi ng PCG

225
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinadya ng barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na banggain ang isang barko ng China Coast Guard sa Scarborough Shoal.

Sa press conference, pinabulaanan ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea ang pahayag ng Beijing na sinadya ng BRP Datu Gumbay Piang na banggain ang barko ng CCG nitong Martes.

Ayon kay Tarriela, walang nangyaring banggaan.

Aniya ang BFAR vessel na nakaistasyon ang binomba ng water cannon ng dalawang CCG vessels.

Bukod dito, gumawa ng isang mapanganib na maniobra ang CCG vessel kaya tinamaan at napinsala ang barko ng BFAR.

Ang BRP Datu Gumbay Piang ay nagsasagawa ng resupply misson nang mangyari ang insidente.

Isang crew ang sugatan habang napinsala ang barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here