MANILA, Philippines – ARESTADO sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operation ng Laguna PNP ang dalawang most wanted person na kapwa may kasong Rape at Statutory Rape, nitong Martes, Setyembre 16 sa Cabuyao at Calamba, Laguna.
Kinilala ang dalawang suspek sa alyas na “Mark” at “Roger,” pawang nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na lungsod.
Base sa inisyal na report kay PCol Jonar R. Yupio, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, nauna umanong nadakip nang dakong alas-5:03 ng hapon ang suspek na si Alyas Roger sa Barangay Tres, Cabuyao City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na inisyu ng Regional Trial Court Branch 24, BiƱan City, Laguna.
Samantalang, kasunod na inaresto ay ang suspek na si alyas Mark ganap na alas-6:50 kagabi sa Barangay Maunong, Calamba City sa bisa ng warrant of arrest hinggil sa kasong Statutory Rape na inilabas ng Family Court Fourt Judicial Region Branch 8 Calamba City, kung saan kapwa walang piyansa ang mga suspek.
“Sa pagkakaaresto ng mga akusado ay mabibigyan natin ng hustisya ang mga biktima. Tinitiyak din namin sa pamilya ng mga biktima na pagbabayaran ng mga taong ito sa batas ang kanilang mga ginawa,” ayon kay PCol Yupio. Ellen Apostol