MANILA, Philippines – Patay ang isang engineer na nagtatrabaho sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos pagbabarilin ng hindi pa tukoy na gunman sa Maguindanao del Norte.
Ang biktima na kinilalang si Engr. Romeo Livelo, residente ng Upi, Maguindanao del Norte at nakatalaga sa MSSD engineering division, ay binaril habang minamaneho ang motorsiklo nito bandang 6:30 ng gabi nitong Martes, Setyembre 16 nang hindi pa tuloy na gunman sa highway sa Sitio Tenorio, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte, ayon kay Lt. Colonel Esmael Madin, hepe ng Datu Odin municipal police station.
Nasawi si Livelo on the spot matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Mula noong nakaraang buwan ay ipinatutupad ang gun ban para sa BARMM parliamentary elections. RNT/JGC