Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis
MANILA, Philippines – “Oo, tuloy ang eskwela. It cannot be held hostage, life must go on,”
Ito ng nasambit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso makaraang tanungin ng mga miyembro ng mga mamamahayag kung may klase ba online o pisikal sa lungsod ng Maynila kasabay ng nakaplanong transport strike na itinakda sa Setyembre 17–19.
Ayon kay Domagoso, mahigpit nitong tagubilin na ipatupad ang “maximum tolerance” na una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patungkol sa magaganap sa demonstrasyon.
Sinabi rin ng Alkalde na ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng tulong kapwa sa mga nagpoprotesta at pulis, na nangangako na ang mga detalye ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
“Meron ka kaming gagawing tulong. Oo, tulong ’yan. Makikita niyo ’yun, magugulat kayo, eh. We’ll announce it soon,” ani Domagoso na ang nasabing tulong ay para sa lahat.
Umapela naman si Domagoso sa mga demonstrador na iwasan ang bandalismo at paninira ng mga pampublikong ari-arian dahil kailangang sagutin ng lungsod ang mga gastos sa paglilinis, bukod pa sa tulong mula sa mga tagagawa ng pintura.
“Basta ang pakiusap lang natin ay iwasan lang nila ’yung vandal-vandal. Pwede sila magkabit, magsabit, okay na ’yan,” giit ni Yorme Isko.
“’Yung mga ini-spray, ipinanghihingi ko, pinangmamalimos ko pa sa Boysen saka sa Davis ’yung pintura,” dagdag pa ng alkalde. JAY Reyes