Home METRO Ilang lugar sa Luzon at M’danao binaha sa hagupit ni Mirasol

Ilang lugar sa Luzon at M’danao binaha sa hagupit ni Mirasol

368
0
(c) Jennifer Arana

MANILA, Philippines – Nagbunsod ng pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao ang Tropical Depression Mirasol na nagpadiin din sa Habagat.

Sa Casiguran, Aurora, unang tumama ang bagyo kung saan naranasan ang malalakas na hangin at buhos ng ulan na nagdulot ng brownout at paglubog ng humigit-kumulang 100 bahay sa baha hanggang bewang. Nahinto rin ang ilang motorista sa mga binahang kalsada.

Sa Rizal, binaha ang pamilihang bayan sa Teresa matapos mabigo ang sandbag barriers, habang mabilis na agos ng tubig ang tumama sa ibang bahagi ng Teresa at Morong.

Sa Isabela, na nasa Signal No. 1, malalakas na hangin at ulan ang nagpilit magsara pansamantala sa isang tulay sa Echague dahil sa umapaw na ilog.

Naranasan din ang pagbaha sa Naga, Camarines Sur, gayundin sa Tacurong, Sultan Kudarat; Tantangan, South Cotabato; at Pagalungan, Maguindanao del Sur kung saan napalibutan ng tubig ang municipal hall. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here