Home NATIONWIDE #WalangPasok, Setyembre 18 sa sama ng panahon, transport strike

#WalangPasok, Setyembre 18 sa sama ng panahon, transport strike

369
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa ilang lugar sa Huwebes, Setyembre 18, 2025 dahil sa masamang panahon at nakatakdang nationwide transport strike.

Sa Pangasinan, sinuspinde ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa Mangaldan, parehong pampubliko at pribado.

Lahat ng antas sa Malinao, Albay ay kanselado at lilipat sa flexible learning, habang idineklarang special non-working day sa Victoria, Oriental Mindoro bilang pagdiriwang ng founding anniversary nito.

Nagpatupad din ng pagbabago ang ilang unibersidad.

Sa University of the East, online ang klase ng Graduate School at College of Law; online din ang karamihan ng klase sa CDent, maliban sa mga clinic na mananatiling face-to-face. Lilipat sa online classes ang National Teachers College, De La Salle Araneta University, at Far Eastern University. Sa University of Santo Tomas, ipatutupad ang enriched virtual instruction at remote work sa Setyembre 17–18. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here