MANILA, Philippines – Patay ang isang 56-anyos na lalaki matapos mahulog ang minamaneho niyang pickup truck sa isang makitid na tulay sa Mangaldan, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, nag-overtake ang pickup sa isang pedicab ngunit sumampa ito sa railing ng tulay at bumulusok sa ilog noong Martes.
Nakuha ng mga rescuer at residente ang biktima ngunit wala na itong buhay nang hilahin mula sa sasakyan.
Sinabi ng pulisya na limang metro lamang ang lapad ng tulay at posibleng tumama sa ulo ang biktima nang mahulog. RNT