Home NATIONWIDE Bicam, nagsingit ng P289-B sa 2025 DPWH budget – Rep. Quimbo

Bicam, nagsingit ng P289-B sa 2025 DPWH budget – Rep. Quimbo

282
0

MANILA, Philippines – Itinuro ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang bicameral conference committee bilang pinagmulan ng ₱289-bilyong insertions sa 2025 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Matapos pong pumunta sa Senado at pumunta sa bicam, tama po ba, pag-alis sa amin sa House of [Representatives] P825 billion, pero nung inapprove after ng Senate at bicam, ang naging budget ay P1.113 trillion. Correct? Yes or no? Tumaas ang budget ninyo ng almost P289 billion. Tama? Nangyari ‘yan sa bicam? Tama?,” tanong ng solon sa DPWH sa pagdinig ng House on Committee on Appropriations.

Ayon kay Quimbo, mula ₱825 bilyon ang budget ng DPWH nang aprubahan sa Kamara ngunit umakyat ito sa ₱1.113 trilyon matapos ang bicam.

“That’s on the record, ang malinaw dito, ang insertions o ang paglobo o pagsingit nangyari sa bicam, hindi sa small committee dito sa House,” dagdag pa ni Quimbo.

Hinimok ni Quimbo ang DPWH na isapubliko ang lahat ng pagbabago at pangalanan ang mga nagtutulak ng dagdag pondo.

“Mas mabuti na ilagay ang pangalan para maipagtanggol nila ang insertion na ‘yun,” aniya. Sang-ayon dito si DPWH Secretary Vince Dizon na tinawag itong “good idea.”

Sinabi naman ni House appropriations chair Mikaela Suansing na inabolish na ang small committee at pinalitan ng budget amendments review sub-committee para masiguro ang transparency.

Samantala, nabawasan ng ₱255 bilyon ang panukalang 2026 budget ng DPWH na ngayo’y nasa ₱625.78 bilyon. Inirekomenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilipat ang naturang pondo sa mga programa sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, pabahay, paggawa, social welfare, at information technology. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here