Home NATIONWIDE Malakanyang, walang kumpas sa palit-liderato sa Kamara – Rep. Marcos

Malakanyang, walang kumpas sa palit-liderato sa Kamara – Rep. Marcos

234
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni House Majority Leader Sandro Marcos na walang kinalaman ang Malacañang sa pagpapalit ng liderato sa Kamara, at si dating Speaker Martin Romualdez mismo ang nagkusang magbitiw upang ilayo ang institusyon sa mga alegasyon ng anomalya sa flood control projects.

“It was not a matter of being chosen by Malacañang. He offered to step down,” ayon kay Marcos, na iginiit ding hawak pa rin ni Romualdez ang bilang upang manatili sa puwesto.

Ipinaliwanag ni Marcos na nagsagawa ng konsultasyon ang majority coalition at lumitaw na si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy ang napiling kapalit. Tumanggi umano si Navotas Rep. Toby Tiangco habang nagbigay-daan si Bacolod Rep. Albee Benitez para kay Dy.

“The Speaker serves at the pleasure of the majority, at ang pangalan na lumabas lagi ay ang pangalan po ni Congressman Bojie Dy,” dagdag ni Marcos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here