MANILA, Philippines – Libreng makakasakay ang mga kawani ng pamahalaan sa MRT-3 at LRT-2 mula Setyembre 18 hanggang 19.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Ayon sa Department of Transportation, kailangan lamang magpakita ng valid agency ID ang mga empleyado upang makagamit ng libreng sakay, na bukas maghapon sa dalawang petsa. RNT