Home NATIONWIDE Lingguhang kaso target isampa ng DPHW sa flood control mess

Lingguhang kaso target isampa ng DPHW sa flood control mess

357
0

MANILA, Philippines – Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsampa ng hindi bababa sa isang kaso ng korapsyon kada linggo kasabay ng imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa mahigit 100 flood control projects na umano’y anomalya.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon sa pagdinig sa Kamara, naisampa na ang unang kaso laban sa 26 indibidwal kabilang ang ilang kontratista at dating opisyal ng DPWH, habang tatlong kaso pa ang kasalukuyang inihahanda.

“Ang goal po ay tuloy-tuloy ang pagfa-file, at least one case every week,” ani Dizon.

Nauna nang naglabas ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council sa 135 bank accounts at 27 insurance policies na konektado sa mga proyekto.

Itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ICI sa bisa ng Executive Order 94, sa pangunguna ni dating Supreme Court Justice Andres Reyes Jr., upang siyasatin ang mga iregularidad sa flood control at iba pang proyekto sa nakalipas na 10 taon.

Samantala, sinabi ni Dizon na nabawasan ng halos ₱256 bilyon ang panukalang 2026 budget ng DPWH matapos alisin ang mga duplicate at natapos nang proyekto—mula ₱881 bilyon ay ₱625.78 bilyon na lamang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here