Home METRO Dinukot na kapapanganak na sanggol, naibalik na sa Pangasinan

Dinukot na kapapanganak na sanggol, naibalik na sa Pangasinan

304
0

MANILA, Philippines – Naibalik na sa kaniyang mga magulang ang isang bagong silang na sanggol na dinukot ng babaeng nagpanggap na nurse sa Lingayen District Hospital sa Pangasinan.

Ayon sa pulisya, hawak na nila ang suspek na umamin na nakumbinsi ng kaanak ng mga magulang ng sanggol na tangayin ang bata kapalit ng ₱5,000.

Nang makonsensya, ibinalik umano niya ang sanggol sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon upang alamin kung may kaugnayan ang insidente sa isang organisadong grupo.

Ipinag-utos na rin ng pamahalaang panlalawigan ang pagkakabit ng mga CCTV camera sa lahat ng pagamutan at pasilidad sa Pangasinan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here